Monthly Archives: January 2014

all is well.

Standard

The board exam is just a few days away and I must admit that I am on the verge of panicking.

I have spent this past month in a cocoon of sorts.  But instead of growing wings, I have drowned myself in a sea of facts–frantically trying to finish reading all these books and reviewers and desperately trying to absorb all these concepts, stipulations, and formulae. It does get overwhelming and it makes me want to tear out my hair sometimes. But it has also heightened my awareness and increased my appreciation for the little things (like the five-peso “cappuccino” from the dispenser at the fourth floor).

I’d like to think that things always balance out–sooner or later, one way or the other.  This morning, for instance, my brain was starting to feel super saturated and my brain cells were threatening to go on strike when I came across this beautiful Filipino translation of Pablo Neruda’s Poema 20 and all was well again.

Awit ng Pag-ibig XX
ni Pablo Neruda
Isinalin ni Virgilio S. Almario

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi

Maisusulat ko, halimbawa: “Mabituin ang gabi
at nanginginig, bughaw ang mga tala sa malayo”  

Lumiligid sa langit ang simoy-gabi at umaawit.

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Minahal ko siya, at minahal din niya ako paminsan-minsan.  

Sa mga gabing ganito, ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig.
Ulit-ulit ko siyang hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
 
Minahal niya ako, paminsan-minsan ko rin siyang minahal.
Sino ang hindi iibig sa kaniyang malalaki’t mga matang tahimik?

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maiisip kasing hindi na siya akin. Madaramang wala na siya sa akin.
 
Maririnig ang gabing malawak, at mas lumalawak kung wala siya.
 At pumapatak sa kaluluwa ang bersong tila hamog sa pastulan.  

Maano kung hindi siya mabantayan ng aking pag-ibig.
Mabituin ang gabi at hindi siya kapiling.

Ito na ang lahat. May umaawit sa malayo. Sa malayo.
Hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.
 
Upang waring ilapit siya, hinahanap siya ng aking mata.
Hinahanap siya ng aking puso, at hindi siya kapiling.
 
Ganito rin ang gabing nagpausyaw sa ganito ring mga punongkahoy.
Kami, sa tagpong iyon, ang nagbago.

Hindi ko siya mahal, natitiyak ko, ngunit minahal ko siya nang todo.
Hinahanap ng tinig ko ang simoy upang hipuin ang kaniyang pandinig.
 
Nasa iba. Siya’y nasa iba. Tulad noong katalik siya ng aking mga halik.
Ang kaniyang tinig, malinaw na katawan.  Ang kaniyang matang walang-hanggan.

Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.

Dahil sa mga gabing ganito na ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig
hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.

Kahit ito na ang huling pighating ipapataw niya sa akin,
at ito ang huling mga bersong isusulat ko para sa kaniya.

Advertisements